-
Notifications
You must be signed in to change notification settings - Fork 2
/
07 Sa Mga Taga Corinto 1
437 lines (437 loc) · 65.6 KB
/
07 Sa Mga Taga Corinto 1
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
96
97
98
99
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
110
111
112
113
114
115
116
117
118
119
120
121
122
123
124
125
126
127
128
129
130
131
132
133
134
135
136
137
138
139
140
141
142
143
144
145
146
147
148
149
150
151
152
153
154
155
156
157
158
159
160
161
162
163
164
165
166
167
168
169
170
171
172
173
174
175
176
177
178
179
180
181
182
183
184
185
186
187
188
189
190
191
192
193
194
195
196
197
198
199
200
201
202
203
204
205
206
207
208
209
210
211
212
213
214
215
216
217
218
219
220
221
222
223
224
225
226
227
228
229
230
231
232
233
234
235
236
237
238
239
240
241
242
243
244
245
246
247
248
249
250
251
252
253
254
255
256
257
258
259
260
261
262
263
264
265
266
267
268
269
270
271
272
273
274
275
276
277
278
279
280
281
282
283
284
285
286
287
288
289
290
291
292
293
294
295
296
297
298
299
300
301
302
303
304
305
306
307
308
309
310
311
312
313
314
315
316
317
318
319
320
321
322
323
324
325
326
327
328
329
330
331
332
333
334
335
336
337
338
339
340
341
342
343
344
345
346
347
348
349
350
351
352
353
354
355
356
357
358
359
360
361
362
363
364
365
366
367
368
369
370
371
372
373
374
375
376
377
378
379
380
381
382
383
384
385
386
387
388
389
390
391
392
393
394
395
396
397
398
399
400
401
402
403
404
405
406
407
408
409
410
411
412
413
414
415
416
417
418
419
420
421
422
423
424
425
426
427
428
429
430
431
432
433
434
435
436
437
[1:1] Pablo, tinawag bilang mensahero ni Jesu Kristo sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos, at si kapatid na Sosthenes,
[1:2] Sa konggregasyon ng Diyos na nasa Corinth, pinagging banal kay Kristo Jesus, piling mga santo kasama ng lahat ng mga tumatawag sa lahat ng lugar sa pangalan ng ating Panginoong Jesu Kristo, parehong sa kanila at sa atin:
[1:3] kagandahang-loob sa inyo at kapayapaan mula sa Diyos Ama natin, at sa Panginoong Jesu Kristo.
[1:4] Nagpapasalamat ako lagi sa aking Diyos patungkol sa inyo dahil sa kagandahang-loob ng Diyos na ibinigay sa inyo sa pamamagitan ni Kristo Jesus.
[1:5] Dahil sa pamamagitan Niya ay yumaman kayo sa lahat ng bagay: sa lahat ng pagsasalita, at sa lahat ng kaalaman;
[1:6] alinsunod sa testimonya ni Kristo na naitatag sa inyo.
[1:7] Kaya naman kayo ay hindi nagkukulang sa kahit anung kaloob, naghihintay sa pagpapakita ng ating Panginoong Jesu Kristo,
[1:8] na Siya ring magpapatatag sa inyo hanggang sa katapusan, para kayo ay walang kapintasan sa pagdating ng araw ng ating Panginoong Jesu Kristo.
[1:9] Matapat ang Diyos. Sa pamamagitan Niya ay tinawag kayo tungo sa pakikipag-ugnayan sa Kanyang Anak na si Jesu Kristo na ating Panginoon.
[1:10] Ngayon ay nakikiusap ako sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesu Kristo na nawa ay magkaisa kayong lahat sa pagsasalita, at na walang maging pagkakabaha-bahagi sa kalagitnaan niyo; at na kayo ay maging maayos na may iisang kaisipan at ng may iisang kalooban.
[1:11] Nalaman ko kasi ang tungkol sa inyo, mga kapatid ko, sa tulong ng mga kasamahan ni Chloe, na mayroong mga pagtatalo-talo sa kalagitnaan niyo.
[1:12] Ang ibig kong sabihin ay ganito, na bawat isa sa inyo ay nagsasabi, "Basta ako ay kay Pablo; Ako naman kay Apollo; Ako naman kay Cefas; Ako naman kay Kristo."
[1:13] Nahati na ba si Kristo? Hindi si Pablo ang napako sa krus para sa inyo, o sa pangalan ni Pablo ay nailublob kayo sa tubig.
[1:14] Salamat sa Diyos na wala akong inilublob sa inyo, maliban kina Crispus at Gaius;
[1:15] para hindi sabihin ninuman na naglublob ako sa sarili kong pangalan.
[1:16] At inilublob ko rin ang pamilya ni Stephanas: hindi ko alam bukod pa rito, kung may iba pa akong inilublob sa tubig.
[1:17] Hindi kasi ako pinadala ni Kristo para maglublob kundi para magdeklara ng Masayang Balita, hindi sa pamamagitan ng mga mahuhusay na salita para hindi mabalewala ang krus ni Kristo.
[1:18] Ang mensahe kasi ng krus ay talagang kalokohan sa mga napapahamak, pero sa atin na naliligtas, ito ay kapangyarihan ng Diyos.
[1:19] Nakasulat kasi, "Wawasakin Ko ang karunungan ng mga dalubhasa, at babalewalain Ko ang kaunawaan ng mga matatalino."
[1:20] Nasaan ang matalino? Nasaan ang dalubhasa ng Kasulatan? Nasaan ang pilosopo ng panahong ito? Hindi ba ginawang kamangmangan ng Diyos ang karunungan ng mundong ito?
[1:21] Dahil mula't sa pul ayon sa karunungan ng Diyos, ang mundo sa pamamagitan ng katalinuhan ay hindi nakilala ang Diyos. Natuwa naman ang Diyos na sa pamamagitan ng kahangalan ng pangangaral ay maligtas ang mga nananalig.
[1:22] Mula't sa pul rin ang mga Judio ay naghahanap ng senyales, ang mga Griyego naman, katalinuhan ang hinahanap:
[1:23] pero kami ay nangangaral na si Kristo ay ipinako sa krus--sa mga Judio ay talagang isang batong nakakatisod, sa mga Griyego naman, ay isang kahangalan.
[1:24] Pero sa kanila na mga tinawag, mula sa mga Judio gayundin sa mga Griyego, si Kristo ang kapangyarihan at katalinuhan ng Diyos.
[1:25] Dahil ang kahangalan ng Diyos ay mas matalino sa mga tao, at ang kahinaan ng Diyos ay mas malakas sa mga tao.
[1:26] Dahil nakikita niyo naman ang pagkatawag niyo, mga kapatid, na hindi karamihan sa inyo ay matatalino ayon sa laman, hindi karamihan sa inyo ay makapangyarihan, hindi karamihan sa inyo ay dugong bughaw.
[1:27] Sa halip ay pinili ng Diyos ang mga mangmang sa mundo para hiyain ang matatalino, at pinili ng Diyos ang mga may kahinaan sa mundo para hiyain ang mga makapangyarihan.
[1:28] At ang mga mabababa ang katayuan sa mundo, at ang mga kasuklam-suklam ang siyang pinili ng Diyos, pati ang mga walang reputasyon, para tanggalan ang mga mayroon.
[1:29] Nang sa ganitong paraan ay walang tao ang magmalaki sa harapan Niya.
[1:30] Pero dahil sa Kanya kayo ay na kay Kristo Jesus, na mula sa Diyos ay naging katalinuhan para sa atin, at katuwiran, at kabanalan, at katubusan.
[1:31] Para, ayon sa nakasulat, "Siya na nagmamalaki, ay magmalaki ng dahil sa Panginoon."
[2:1] At nang ako ay dumating sa harapan niyo, mga kapatid, ako ay hindi dumating gamit ang matayog na pananalita, o gamit ang pilosopia ay ipinoproklama sa inyo ang testimonya ng Diyos.
[2:2] Dahil hindi ako nagdesisyon na ipakilala ang anumang bagay sa kalagitnaan niyo maliban kay Jesu Kristo at ang pagkapako Niya sa krus.
[2:3] At ako ay nasa inyo ng may kahinaan, at ng may takot, at ng may matinding panginginig.
[2:4] At ang pananalita ko at ang pangangaral ko ay hindi sa pamamagitan ng mga mapanghikayat na salita ng karunungan ng tao, sa halip ay sa pamamagitan ng pagpapamalas ng Espiritu at ng kapangyarihan:
[2:5] para ang pananalig niyo ay hindi mapasalalay sa karunungan ng tao, kundi sa kapangyarihan ng Diyos.
[2:6] Samantala, nagsasalita kami ng may karunungan sa kalagitnaan ng mga sakdal: pero hindi ayon sa karunungan ng mundong ito, ni ayon sa mga pinuno ng mundong ito na may katapusan.
[2:7] Pero sinasabi namin ang karunungan ng Diyos gamit ang nakatagong hiwaga na itinalaga noon ng Diyos bago pa lalangin ang mundo para sa ating kaluwalhatian:
[2:8] na hindi natutunan ng isa man sa mga pinuno ng mundong ito: dahil kung natutunan nila ito ay hindi sana nila ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian.
[2:9] Pero ayon sa nakasulat, "Hindi pa nakikita ng mata, at hindi pa naririnig ng taynga, at di pa pumapasok sa puso ng tao, ang mga hinanda ng Diyos sa mga nagmamahal sa Kanya."
[2:10] Pero ang mga ito ay ipinaalam sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu; dahil sinusuri lahat ng Espiritu, kahit pa ang malalalim na bagay ng Diyos.
[2:11] Dahil sino sa mga tao ang nakakaalam sa mga bagay na patungkol sa isang tao kundi ang espiritu ng tao na nasa loob niya? Sa ganitong paraan rin, walang nakakaalam sa mga bagay na patungkol sa Diyos maliban sa Espiritu ng Diyos.
[2:12] Ngayon ay tinanggap natin, hindi ang espiritu ng sanlibutan, kundi ang Espiritu na mula sa Diyos, para malaman natin ang mga bagay na ipinagkaloob sa atin mula sa Diyos.
[2:13] Ang mga bagay na ito rin ang sinasabi namin, hindi sa pamamagitan ng makataong katuruan gamit ang mahuhusay na mga pananalita, kundi sa pamamagitan ng katuruan ng Espiritu Santo ay ipinaliliwanag namin ang mga espirituwal na bagay gamit ang mga espirituwal na bagay.
[2:14] Pero ang taong pinaghaharian ng sariling kaluluwa ay hindi tumatanggap sa mga bagay mula sa Espiritu ng Diyos; kalokohan kasi ang mga ito para sa kanya, at hindi niya kayang matutunan ang mga ito dahil nasusuri lamang ang mga bagay na ito sa tulong ng Espiritu.
[2:15] Pero siya na pinaghaharian ng Espiritu ay talagang nasusuri ang lahat ng bagay pero siya ay hindi nasusuri ninuman.
[2:16] Dahil sino ba ang nakaalam ng kaisipan ng Panginoon? Sino ang magtuturo sa Kanya? Pero taglay natin ang kaisipan ni Kristo.
[3:1] Ako naman, mga kapatid, hindi ko magawang magsalita sa inyo gaya ng sa mga espirituwal, kundi gaya ng sa mga makalaman, gaya ng sa mga sanggol kay Kristo.
[3:2] Binigyan ko kayo ng gatas, at hindi ng pagkain, dahil hindi niyo pa noon kaya, pero hindi niyo pa rin kaya sa ngayon.
[3:3] Dahil makalaman pa kayo, sa dahilang may inggitan at pagtatalo, at mga pagkakabaha-bahagi sa kalagitnaan niyo. Hindi ba't kayo ay makalaman, at lumalakad sa pamantayan ng tao?
[3:4] Dahil hangga't may isang nagsasabing, "Basta ako kay Pablo," at may isa, "Ako kay Apollo." Hindi ba kayo makalaman?
[3:5] Sino nga ba si Pablo? At sino si Apollo? Walang iba kundi mga lingkod. Sa tulong namin ay nanalig kayo, at ang Panginoon ang nagkaloob nito sa bawat isa.
[3:6] Ako ang nagtanim, si Apollo ang nagdilig; pero ang Diyos ang nagpapalago.
[3:7] Kaya naman, walang maipagmamalaking anuman ang nagtatanim, ni ang nagdidilig, kundi ang Diyos na nagpapalago.
[3:8] Ngayon, ang nagtatanim at ang nagdidilig ay nagkakaisa, pero bawat isa ay tatanggap ng sarili nitong sahod ayon sa pinagpaguran nito.
[3:9] Dahil kami ay kamanggagawa ng Diyos: kayo ang pananim ng Diyos, kayo ang gusali ng Diyos.
[3:10] Ayon sa kagandahang-loob ng Diyos na ibinigay sa akin, bilang isang dalubhasang arkitekto ay ginawa ko na ang pundasyon, at may ibang nagtayo sa ibabaw nito. Pero unawain ng bawat isa kung paano siya magtayo sa ibabaw nito.
[3:11] Dahil wala nang ibang pundasyon ang pwedeng ilagay ninuman maliban sa nakalagay na, ito ay si Jesus na Kristo.
[3:12] Ngayon, kung sinuman ang magtatayo sa ibabaw ng pundasyong ito ng ginto, pilak, mga mamahaling bato, mga kahoy, damo, dayami;
[3:13] Ang trabaho ng bawat isa ay magiging hayag: dahil malalaman ito isang araw, dahil sa pamamagitan ng apoy ito ay maihahayag; at ang trabaho ng bawat isa, anumang klase ito, ay masusubok sa apoy.
[3:14] Kung ang trabahong ginawa ng sinuman ay manatili, tatanggap siya ng sahod.
[3:15] Kung ang trabaho ng sinuman ay matupok, ito ay magiging kawalan niya, at siya mismo ay maliligtas, pero para lang siyang dumaan sa apoy.
[3:16] Hindi niyo ba alam na kayo ang templo ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos ay nakatira sa kalooban niyo?
[3:17] Kung may isang manira sa templo ng Diyos, siya ay sisirain ng Diyos, dahil ang templo ng Diyos ay banal, at kayo iyon.
[3:18] Huwag linlangin ng sinuman ang kanyang sarili. Kung sinuman sa inyo ay nag-aakalang matalino siya ayon sa mundong ito, dapat siyang maging mangmang, para siya ay maging matalino.
[3:19] Ang karunungan kasi ng mundong ito ay kahangalan sa harapan ng Diyos: dahil nakasulat, "Hinuhuli Niya ang matatalino ayon sa diskarte nila."
[3:20] At muli pa, "Alam ng Panginoon ang mga katuwiran ng mga matatalino na walang katuturan ang mga ito."
[3:21] Kaya naman, huwag magyabang ang sinuman patungkol sa mga tao, dahil lahat ng bagay ay sa inyo.
[3:22] Maski pa si Pablo, o si Apollo, o si Cefas, o ang mundo, o ang buhay, o ang kamatayan, o ang mga bagay sa kasalukuyan, o ang mga bagay na darating; lahat ay sa inyo.
[3:23] At kayo ay kay Kristo; si Kristo naman ay sa Diyos.
[4:1] Kaya naman, dapat kaming ituring ng tao bilang mga katulong ni Kristo at mga katiwala ng mga hiwaga ng Diyos.
[4:2] At tulad sa iba na nagsisiyasat sa mga katiwala, dapat na matagpuang matapat ang isang tao.
[4:3] Pero isang maliit na bagay para sa akin na ako ay mapasailalim ng pagsisiyasat niyo, o mapasailalim ng paghahatol ng tao. Maski na sarili ko man ay hindi ko hinahatulan.
[4:4] Alam ko kasi na wala namang makikita sa akin, pero hindi dahil dito ay absuwelto na ako: dahil ang humahatol sa akin ay ang Panginoon.
[4:5] Kaya naman, huwag niyong husgahan ang sinuman ng hindi pa panahon, hangggang sa dumating ang Panginoon na parehong magbibigay linaw sa mga lihim ng kadiliman, at maghahayag sa mga motibo ng mga puso: at sa puntong iyon, ang bawat isa ay tatanggap ng papuri mula sa Diyos.
[4:6] Ngayon, mga kapatid, ginamit ko ang paliwanag na ito para sa sarili ko at kay Apollo alang-alang sa inyo, para sa pamamagitan namin ay matuto kayong hindi mag-isip ng higit pa sa nakasulat, para walang isa man sa inyo ang sumobra ang pagpapahalaga para sa isa't isa.
[4:7] Dahil anung bagay ang pinagkaiba mo? At anung bagay ang mayroon ka na hindi mo tinanggap? Pero kung ikaw ay nakatanggap rin, bakit ka nagmamalaki na parang hindi ka nakatanggap?
[4:8] Ngayon ay nabusog na kayo! Ngayon ay mayayaman na kayo! Naghari na kayo nang wala kami! At sana nga ay totoong naghari na kayo, para kami rin ay kasama niyong naghari!
[4:9] Sa tingin ko kasi, ang Diyos ay inilagay kaming mga mensahero sa hulihan na tulad sa mga bibitayin: dahil kami ay naging tele-nobela para sa mundo, parehong sa mga anghel at sa mga tao.
[4:10] Kami ay mga hangal alang-alang kay Kristo, samantalang kayo ay mga matatalino sa pamamagitan ni Kristo; kami ay mahihina, pero kayo ay malalakas; kayo ay mararangal, pero kami ay walang halaga.
[4:11] Hanggang sa sandaling ito ay parehas kaming nagugutom at nauuhaw, at halos walang maisuot, at bugbog-sarado, at walang tiyak na matutuluyan.
[4:12] At nagpapakapagod sa pagtatrabaho gamit ang aming sariling mga kamay. Kapag minumura kami, nagpapala kami sa salita, kapag kami ay inuusig, tinitiis namin.
[4:13] Kapag pinagsasabihan ng masasama, nakikiusap kami: ginawa kami na parang mga latak ng daigdig, basura ng lahat hanggang sa ngayon.
[4:14] Sinusulat ko ang mga bagay na ito di para hiyain kayo, sa halip ay pinagsasabihan ko kayo bilang mga minamahal kong anak.
[4:15] Dahil kahit pa may 10 libong tagapagturo kayo kay Kristo, hindi naman marami ang inyong mga ama. Dahil kasi kay Kristo Jesus ay iniluwal ko kayo sa pamamagitan ng Masayang Balita.
[4:16] Kaya nakikiusap ako sa inyo, gayahin niyo ako.
[4:17] Dahil dito ay ipinadala ko sa inyo si Timoteo na minamahal kong anak, at matapat sa Panginoon, na magpapaalala sa inyo ng mga pamamaraan ko - iyong mga bagay patungkol kay Kristo, alinsunod sa itinuturo ko sa lahat ng konggregasyon sa lahat ng lugar.
[4:18] Ngayon, sa pag-aakala na hindi ako pupunta sa inyo, ang yayabang na ng ilan.
[4:19] Pero sa kaunting panahon na lamang ay pupunta na ako sa inyo kung loloobin ng Panginoon, at malalaman ko hindi ang salita ng mga hambog, kundi ang kapangyarihan.
[4:20] Dahil ang Kaharian ng Diyos ay wala sa salita kundi sa kapangyarihan.
[4:21] Ano ba ang gusto niyo? Dumating ako sa harapan niyo ng may pamalo, o ng may pagmamahal at ng may malumanay na espiritu?
[5:1] Lubos na napabalita na may nakikipagtalik sa di niya asawa sa inyong kalagitnaan at isang uri ng kahalayan na hindi pa kilala sa gitna ng mga bansa, anupa't ang isang ito ay kinakasama ang asawa ng tatay niya.
[5:2] At kayo naman ay ang yayabang pa, pero hindi ba dapat ay nagluksa kayo para siya na gumawa ng bagay na ito ay matanggal sa kalagitnaan niyo?
[5:3] Dahil talagang ako, bagaman hindi niyo kapiling sa katawan, ay nandyan naman sa espiritu. Ngayon ay hinatulan ko na siya na gumawa ng bagay na ito na parang nandyan ako.
[5:4] Sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesu Kristo, kapag kayo at ang espiritu ko ay nagkakatipon sa tulong ng kapangyarihan ng ating Panginoong Jesu Kristo,
[5:5] isuko niyo ang isang iyan kay Satanas para sa pagkasira ng laman para ang espiritu ay maligtas pagdating ng Araw ng Panginoong Jesus.
[5:6] Hindi tama ang pagmamalaki niyo. Hindi niyo ba alam na napapaalsa ng maliit na lebadura ang buong masa ng harina?
[5:7] Kaya, tanggalin niyo ang lumang lebadura para maging isang bagong masa kayo na walang lebadura. Dahil rin si Kristo na paskuwa natin ay inalay na para sa atin.
[5:8] Kaya naman, ipagdiwang natin ang pista na di gumagamit ng lumang lebadura, at ng di hinaluan ng lebadura ng kasamaan at kawalang-hiyaan, kundi ng purong tinapay ng pagiging dalisay at totoo.
[5:9] Sumulat ako sa inyo sa isang liham na huwag makipag-ugnayan sa mga taong nakikipagtalik sa di asawa.
[5:10] Pero hindi sa lahat ng mga taong nakikipagtalik sa di asawa, o sa lahat ng mga sakim, o sa lahat ng mga mandarambong, o sa lahat ng mga mananamba ng mga diyus-diyosan sa mundong ito; dahil kung hindi ay kailangan niyo nang umalis palabas ng mundo.
[5:11] Pero ngayon ay nagsulat ako sa inyo na huwag makipag-ugnayan sa sinuman na tinatawag na kapatid kung iyan ay nakikipagtalik sa di asawa, o sakim sa salapi, o sumasamba sa diyos-diyosan, o mapang-abuso sa salita, o lasenggo, o magnanakaw; ni huwag kayong kumain kasama ng mga ganitong klaseng tao.
[5:12] Dahil ano ang dahilan para hatulan ko rin ang mga taga labas? Hindi ba dapat lang sa inyo na hatulan ang mga taga loob?
[5:13] Pero ang Diyos na ang hahatol sa mga taga labas. Kaya tanggalin niyo mula sa inyo ang masamang taong iyan.
[6:1] May lakas ng loob ba ang sinuman sa inyo, kung may problema laban sa isang tao, na pumunta sa husgado sa harapan ng mga di matuwid, at hindi sa harapan ng mga banal?
[6:2] Hindi niyo ba alam na ang mga banal ang hahatol sa mundo? At kung sa pamamagitan niyo ay hahatulan ang mundo, hindi ba sapat ang kakayanan niyong magbigay ng hatol sa pinakamaliliit na bagay?
[6:3] Hindi niyo ba alam na hahatulan natin ang mga anghel? Gaano pa kaya ang mga bagay na patungkol sa buhay na ito?
[6:4] Ngayon, kung totoong mayroon kayong mga isyu na patungkol sa buhay na ito, gumawa kayo ng isang grupo mula sa mga tao na may pinakamababang posisyon sa gitna ng konggregasyon para maging tagahatol.
[6:5] Nagsasalita ako ng ganito para mahiya naman kayo! Wala bang marunong sa kalagitnaan niyo, maski na isa na may kakayanang humatol sa pagitan ng kanyang mga kapatid?
[6:6] Sa halip, ang kapatid ay naghahabla ng kaso laban sa kapatid, at ito ay sa harapan pa ng mga di mananampalataya!
[6:7] Kaya naman, ito ay talagang kasiraan sa inyo sa pangkalahatan, na mayroon kayong mga demandahan sa isa't isa. Bakit di niyo na lang tiisin ang kamalian? Bakit di niyo na lang tiisin ang pandaraya?
[6:8] Sa halip, kayo pa ang gumagawa ng mali, at nandaraya, at ginagawa niyo ang mga ito sa kapatiran.
[6:9] O hindi niyo ba alam na ang mga walang katarungan ay hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos? Huwag kayong magpalinlang, wala sa mga taong nakikipagtalik sa di asawa, o sa mga mananamba sa diyus-diyosan, o sa mga nangangaliwa, o sa mga duwag, o sa mga inaabuso ang katawan sa kaparehong kasarian,
[6:10] o sa mga magnanakaw, o sa mga sakim sa salapi, o sa mga lasenggo, o sa mga mapang-abuso sa salita, o sa mga mandarambong, tiyak na wala sa mga ito, ang magmamana ng Kaharian ng Diyos.
[6:11] At ganito dati ang ilan sa inyo, pero kayo ay nalinis, pero kayo ay pinaging banal, pero kayo ay ginawang matuwid sa pamamagitan ng pangalan ng Panginoong Jesus, at sa pamamagitan ng Espiritu ng ating Diyos.
[6:12] Pupwede para sa akin ang lahat ng bagay, pero hindi lahat ng bagay ay may pakinabang: pupwede para sa akin ang lahat ng bagay, pero hindi ako magpapasakop sa kapangyarihan ng sinuman.
[6:13] Ang mga pagkain ay para sa tiyan, at ang tiyan ay para sa mga pagkain: pero ang Diyos ay parehas na tatapusin ito at ang mga iyon: at ang katawan ay hindi ginawa para sa kahalayan, kundi para sa Panginoon, at ang Panginoon ay para sa katawan.
[6:14] At ang Diyos rin ang nagpabangon sa Panginoon, at Siyang magpapabangon sa atin sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan.
[6:15] Hindi niyo ba alam na ang mga katawan niyo ay mga bahagi ng katawan ni Kristo? Kukunin ko ba ngayon ang mga bahagi ng katawan ni Kristo para gawin ko itong mga bahagi ng katawan ng isang puta? Imposible!
[6:16] O hindi niyo ba alam na ang sumisiping sa isang puta ay kaisa na niya sa katawan? Dahil sinabi Niya, "Ang dalawa ay magiging isa nang laman."
[6:17] Pero ang nakikipag-isa sa Panginoon, ay kaisa na Niya sa Espiritu.
[6:18] Layuan niyo ang kahalayan. Ang bawat kasalanan na ginagawa ng tao ay nasa labas ng katawan. Pero ang nakikipagtalik sa di niya asawa ay nagkakasala laban sa sarili niyang katawan.
[6:19] O hindi niyo ba alam na ang katawan niyo ang templo ng Banal na Espiritu na nasa loob niyo, na nasa pangangalaga niyo mula sa Diyos, at hindi niyo pag-aari ang mga sarili niyo.
[6:20] Binili kayo sa mataas na halaga: kaya naman parangalan niyo ang Diyos sa pamamagitan ng katawan niyo, at sa pamamagitan ng espiritu niyo, na mga pag-aari ng Diyos.
[7:1] Ngayon, patungkol sa mga bagay na isinulat niyo sa akin, mabuti para sa isang lalake na hindi magkaroon ng relasyon sa isang babae.
[7:2] Pero para makaiwas sa mga kasalanan sekswal, bawat isang lalake ay dapat na mayroong sariling asawa, at bawat isang babae ay dapat na mayroong sariling asawa.
[7:3] Ang asawang lalake ay dapat na magbigay ng tamang pagmamahal sa asawang babae, at gayundin naman ang asawang babae sa asawang lalake.
[7:4] Ang asawang babae ay walang awtoridad sa sarili niyang katawan, sa halip ito ay sa asawang lalake: at gayundin naman, ang asawang lalake ay walang awtoridad sa sarili niyang katawan sa halip ito ay sa asawang babae.
[7:5] Huwag niyong pagnakawan ang isa't isa, maliban na lang kung magkasundo sa kaunting panahon para maglaan kayo ng bakanteng oras sa pag-aayuno at sa pananalangin; tapos ay muli kayong magsama para hindi kayo matukso ni Satanas, dahil sa kawalan niyo ng pagpipigil sa sarili.
[7:6] Pero sinasabi ko ito bilang payong kaibigan, at hindi bilang kautusan.
[7:7] Dahil kung ako ang masusunod, gugustuhin ko na lahat ng tao ay tulad sa sarili ko. Pero bawat isa ay may sariling kaloob na tinanggap sa Diyos; ang isa ay ganito, ang isa naman ay gaya sa iba.
[7:8] Pero sinasabi ko sa mga walang asawa at sa mga balo na mabuti sa kanila kung sila ay hindi na magbago ng katayuan, katulad ko rin.
[7:9] Pero kung hindi sila makapagpigil sa sarili ay mag-asawa sila, dahil mas mabuting mag-asawa kaysa magliyab.
[7:10] Pero para sa mga may asawa, inuutos ko (hindi ako kundi ang Panginoon) na huwag humiwalay ang asawang babae mula sa asawang lalake.
[7:11] Pero kung humiwalay naman siya, dapat siyang manatiling hiwalay sa asawa, o magbalik sa asawa niyang lalake. At ang asawang lalake ay huwag hiwalayán ang asawang babae.
[7:12] Pero sa mga natitira ay sinasabi ko, hindi ng Panginoon: kung mayroong isang lalake sa kapatiran na may asawang hindi mananampalataya, at ito ay pumayag na manirahan kasama niya, huwag niya itong paalisin.
[7:13] At kung may isang babae sa kapatiran na may asawang hindi mananampalataya, at ito ay pumayag na manirahan kasama niya, huwag niya itong hiwalayán.
[7:14] Nalinis na kasi sa tulong ng asawang babae ang asawang lalake na di mananampalataya, at nalinis na sa tulong ng asawang lalake ang asawang babae na di mananampalataya: kundi ganito, ang mga anak niyo ay marurumi sa harapan ng Diyos; pero ngayon ay mga banal sila.
[7:15] Pero kung ang di mananampalataya ay humiwalay, hayaan siyang humiwalay. Hindi tali si lalaking kapatid, o si babaing kapatid sa ganitong mga bagay. Pero ang Diyos ay tinawag tayo sa kapayapaan.
[7:16] Dahil malay mo, asawang babae, baka magawa mong maligtas ang asawa mong lalake, o malay mo, asawang lalake, baka magawa mong maligtas ang asawa mong babae?
[7:17] Depende sa kung paano itinalaga ng Diyos ang bawat isa, at kung paano tinawag ng Panginoon ang bawat isa, sa ganitong paraan siya dapat na lumakad. Sa ganitong paraan rin ako nagtatalaga ng mga tungkulin sa lahat ng mga konggregasyon.
[7:18] May tinawag ba sa kabila ng pagiging tuli? Huwag na niyang balikan ang di pagiging tuli. May tinawag ba na hindi tuli? Huwag na siyang magpatuli pa.
[7:19] Walang halaga ang pagiging tuli, at walang halaga ang hindi pagiging tuli, kumpara sa pagtupad sa mga kautasan ng Diyos.
[7:20] Kung nasaan tinawag ang bawat isa, siya ay manatili roon kung saan siya tinawag.
[7:21] Tinawag ka ba sa kabila ng pagiging alipin? Huwag mo itong alalahanin. Pero kung kaya mo namang maging malaya, ito ang mas piliin mo.
[7:22] Dahil ang alipin na tinawag sa Panginoon ay isang alipin na pinalaya ng Panginoon: ganito rin ang tinawag na ipinanganak na malaya, siya na ay alipin ni Kristo.
[7:23] Binili kayo sa mataas na halaga; huwag kayong magpaalipin sa mga tao.
[7:24] Kung nasaan tinawag ang bawat isa, mga kapatid, sa katayuang iyon ay manatili siya sa tulong ng Diyos.
[7:25] Pero patungkol sa mga birhen, wala akong utos mula sa Panginoon. Pero ang payo na ibibigay ko, bilang isang nakatanggap ng habag mula sa Panginoon, ay maging matapat.
[7:26] Sa palagay ko, ang bagay na ito ay mabuting ipamuhay sa ngayon dahil sa kasalukuyang situwasyon, na mabuti sa isang tao na magpatuloy sa kanyang katayuan.
[7:27] Nakatali ka ba sa isang asawa? Huwag ka nang mangarap na makawala. Nakalaya ka na ba mula sa asawa? Huwag ka nang maghanap pa ng asawa.
[7:28] Pero kung ikaw naman ay mag-asawa, hindi ka nagkakasala. At kung ang birhen ay mag-asawa, hindi siya nagkakasala: pero magdaranas siya ng hirap sa katawan, at sa mga bagay na ito ko kayo inilalayo.
[7:29] Pero ito ang sasabihin ko, mga kapatid, maigsi na ang panahon. Kaya naman ay mula ngayon, ang mga may asawa ay maging tulad sa wala.
[7:30] At ang mga umiiyak, tulad sa mga hindi umiiyak; at ang mga nagdiriwang, tulad sa mga hindi nagdiriwang; at ang mga mamimili, tulad sa mga walang ari-arian.
[7:31] At ang mga gumagamit sa mundong ito, tulad sa mga hindi gumagamit nito ng sobra: dahil lumilipas ang katayuan ng mundong ito.
[7:32] Pero gusto ko na wala kayong alalahanin. Ang walang asawa ay atubili sa mga bagay tungkol sa Panginoon, kung paano niya bibigyan tuwa ang Panginoon.
[7:33] Ang may asawa naman ay atubili sa mga bagay ng mundo, kung paano niya bibigyang tuwa ang asawa.
[7:34] May pagkakaiba ang babaing may asawa at ang isang babaing birhen. Ang babaing walang asawa ay aligaga sa mga bagay patungkol sa Panginoon, para siya ay maging banal sa parehong katawan at espiritu: pero ang babaing may asawa ay aligaga sa mga bagay sa mundo, kung paano niya mabibigyan ng tuwa ang asawang lalake.
[7:35] Sinasabi ko ito ngayon para sa sarili niyong kapakanan; hindi para maglatag ng isang bitag sa harap niyo, kundi para makapamuhay kayo ng may karangalan, at para makapagbigay atensyon sa Panginoon na walang humahadlang.
[7:36] Pero kung ang isang tao ay naiisip na hindi na siya kumikilos ng tama tungo sa kanyang babaing birhen, kung siya ay hindi na bata, at ganito naman ang nararapat na mangyari, gawin niya ang gusto niyang gawin, hindi siya nagkakasala: dapat na silang ikasal.
[7:37] Pero ang nakatayo ng may katatagan sa puso, na hindi napipilitan, subalit mayroong kapangyarihan sa sarili niyang pagnanasa, at siya ay nagdesisyon na sa loob ng puso niya na panghahawakan niya ang kanyang pagiging birhen, mabuti ang ginagawa niya.
[7:38] Gayun naman ang nagbibigay sa kanya para ikasal ay gumagawa rin ng mabuti, pero ang hindi nagbibigay sa kanya para ikasal ay mas mabuti ang ginagawa.
[7:39] Ang asawang babae ay nakatali sa Batas ng pag-aasawa habang nabubuhay ang kanyang asawang lalake; pero kung matulog na sa kamatayan ang kanyang asawang lalake, malaya na siya. Pakasalan niya sinuman ang magustuhan niya sa kundisyon lamang na iyon ay nasa Panginoon.
[7:40] Pero, batay sa aking pasya, mas masaya siya kung mananatili siya sa ganung katayuan: at sa palagay ko ay taglay ko rin ang Espiritu ng Diyos.
[8:1] Pero patungkol sa mga bagay na inalay sa mga rebulto, alam natin na tayong lahat ay may kaalaman. Ang kaalaman ay nagpapayabang pero ang pag-ibig ay nagpapalago.
[8:2] At kung sinuman ay nag-aakala na may alam siya, wala pa talaga siyang alam kumpara sa dapat niyang malaman.
[8:3] Pero kung sinuman ay nagmamahal sa Diyos, ito ay kilala Niya.
[8:4] Ngayon, patungkol sa pagkain ng mga bagay na inalay sa rebulto, alam natin na walang kabuluhan ang rebultong diyus-diyosan sa mundo, at na walang ibang Diyos kundi ang nag-iisa.
[8:5] At kahit pa may mga tinatawag na mga diyos, sa gitna man ng langit o sa ibabaw ng lupa, gaano pa man karami silang mga diyos, at gaano pa man karaming mga panginoon,
[8:6] pero para sa atin ay nag-iisa ang Amang Diyos na pinagmulan ng lahat ng bagay, at tayo ay nasa Kanya; at nag-iisa ang Panginoong Jesu Kristo. Sa pamamagitan Niya ay ginawa ang lahat ng bagay; tayo rin ay ginawa sa pamamagitan Niya.
[8:7] Subalit, hindi nasa lahat ang kaalamang ito. May ilan pa rin hanggang ngayon na may kamalayan sa rebultong diyus-diyosan ang kumakain kahit na iyon ay inalay sa diyus-diyosan, at ang kanilang mahihinang kaisipan ay narurumihan.
[8:8] Pero hindi pagkain ang nagpapaganda sa atin sa harapan ng Diyos, dahil wala rin tayong kalamangan kung tayo ay kumain, o tayo ay may pagkukulang kung tayo man ay hindi kumain.
[8:9] Pero mag-ingat kayo dahil baka ang kalayaan niyong ito ay maging sanhi ng ikatitisod ng mga mahihina.
[8:10] Dahil kung makita ka ng sinumang may kaalaman na nakaupo sa hapag sa loob ng templo ng diyus-diyosan, hindi ba lalakas ang loob na kumain nitong mahina ang kunsensya ng mga bagay na inalay sa mga diyus-diyosan?
[8:11] At mapapahamak ang mahinang kapatid dahil sa iyong kaalaman kung kanino si Kristo ay namatay.
[8:12] Pero kapag ganito ang pagkakasala laban sa kapatiran, at nasusugatan niyo ang mahina nilang kunsensya, kayo ay nagkakasala laban kay Kristo.
[8:13] Kaya kung ang pagkain ng karne ang titisod sa aking kapatid, hinding-hindi na ako kakain pa ng karne kahit kailan, nang sa gayun ay hindi ako maging dahilan ng pagkadapa ng aking kapatid.
[9:1] Hindi ba ako isang mensahero? Hindi ba ako malaya? Hindi ko ba nakita si Jesu Kristo na ating Panginoon? Hindi ba kayo ang trabaho ko sa Panginoon?
[9:2] Kung hindi ako mensahero para sa iba, ako naman ay totoong mensahero para sa inyo: dahil kayo ang tatak ng aking pagiging mensahero sa Panginoon.
[9:3] Ang depensa ko sa mga nagsusuri sa akin ay ito:
[9:4] Wala ba kaming karapatang kumain at uminom?
[9:5] Wala ba kaming karapatang magsama ng babaing kapatid, ng asawa, tulad rin ng ibang mga mensahero, at ng mga kapatid ng Panginoon, at ni Cefas?
[9:6] O ako at si Barnabas lang? Wala ba kaming karapatan na hindi magtrabaho?
[9:7] Sino bang sundalo ang sumasabak sa digmaan sa sarili niyang gastos? Kailan ito nangyari? Sino na ang nagtanim ng ubasan at hindi nakakain mula sa bunga nito? O sino ang nagpapastor sa isang kawan at hindi umiinom ng gatas mula sa kawan?
[9:8] Hindi ko ba sinasabi ang mga bagay na ito bilang isang tao? O hindi ba nasasaad rin sa Batas ang mga bagay na ito?
[9:9] Dahil sa loob ng Batas ni Moises ay naisulat, "Huwag mong busalan ang baka na nanginginain ng trigo." Hindi ba baka ang inaalala dito ng Diyos?
[9:10] O alang-alang sa atin ay sinasabi ito? Walang duda na alang-alang sa atin ay kaya ito naisulat, para ang nag-aararo ay dapat na mag-araro ng may pag-asa, at ang gumigiik ng trigo ng may pag-asa ay makibahagi sa kanyang inaasahan.
[9:11] Kung kami ay nakapagtanim sa inyo ng mga espirituwal na bagay, malaking bagay ba kung aanihin namin ang inyong mga materyal na bagay?
[9:12] Kung ang iba ay nakibahagi sa karapatang ito sa inyo, di ba lalu na dapat kami? Sa halip ay hindi namin ginamit ang karapatang ito, kundi ay tinitiis namin ang lahat para hindi kami makapagbigay ng anumang kasiraan sa Masayang Balita ni Kristo.
[9:13] Hindi niyo ba alam na ang mga nagtatrabaho sa mga itinalaga para sa Diyos ay kumakain ng mga bagay mula sa Templo? Ang mga nag-aasikaso sa altar ay nakikibahagi sa mga inalay sa altar.
[9:14] Kaya rin naman ang Panginoon ay inutos na ang mga nagpoproklama ng Masayang Balita ay mabuhay mula sa gantimpalang dala ng Masayang Balita.
[9:15] Pero hindi ako gumamit ng mga bagay na ito, ni hindi ko isinusulat ang mga ito para ganito ang mangyari sa akin: dahil mas mabuti sa akin na mamatay na lang kaysa mabalewala ng sinuman ang ipinagmamalaki ko!
[9:16] Dahil kahit ako ay nagpoproklama ng Masayang Balita, wala akong maipagyayabang dahil isang obligasyon ang inaatang sa akin; at kaawa-awa ako kung hindi ako magproklama ng Masayang Balita!
[9:17] Kung kusa ko kasi itong ginagawa ay may gantimpala ako: pero kung sapilitan kong ginagawa ang katungkulang ipinagkatiwala sa akin,
[9:18] ano pa ang gantimpala ko? Kaya naman sa pagpoproklama ng Masayang Balita ay ibinahagi ko na walang bayad ang Masayang Balita ni Kristo, nang sa ganitong paraan ay hindi maabuso ang karapatan ko ayon sa Masayang Balita.
[9:19] Dahil kahit pa malaya ako mula sa lahat ng tao, ginawa kong alipin ang sarili ko para sa lahat ng tao, para mas marami akong maakay kay Kristo.
[9:20] At ako ay naging tunay na Judio para sa mga Judio para mailigtas ko ang mga Judio; sa mga na nasa ilalim ng Batas na parang nasa ilalim ng Batas, para mailigtas ko ang mga nasa ilalim ng Batas;
[9:21] sa mga wala sa Batas, parang wala sa Batas, (hindi namumuhay sa Diyos na walang Batas, kundi tali sa Batas ni Kristo) para mailigtas ko ang mga wala sa Batas.
[9:22] Sa mga mahihina, ako ay naging katulad sa isang mahina, para maakay ko ang mga mahihina: ako ay naging lahat ng bagay para sa lahat, para sa anumang paraan ay mailigtas ko ang ilan.
[9:23] At ito ay ginagawa ko alang-alang sa Masayang Balita, para ako ay maging kabahagi nito.
[9:24] Hindi niyo ba alam na ang mga tumatakbo sa karera ay talagang tumatakbo lahat, pero isa lang ang tumatanggap ng gantimpala? Ganito dapat kayo tumakbo para kayo ay makatanggap.
[9:25] Pero bawat isang nakikipagpaligsahan ay istrikto sa lahat ng bagay. Ngayon, siyempre ginagawa nila ito para makatanggap ng isang koronang nasisira, pero tayo ay yung hindi nasisira.
[9:26] Kaya ako ay sa ganitong paraan tumakbo, di yung tulad sa walang nakikita; ganito ako nakikipaglaban, hindi yung parang sumusuntok sa hangin:
[9:27] Kaya idinadaan ko sa mahigpit na pag-eensayo ang aking katawan, at ginagawa ko itong alipin dahil baka pagkatapos kong makapangaral sa iba ay sarili ko naman ang hindi pumasa.
[10:1] Pero hindi ko gusto, mga kapatid, na wala kayong alam kung paano na lahat ng aming mga ama ay napasailalim ng ulap at lahat sila ay nakatawid sa gitna ng dagat;
[10:2] at lahat sila ay nailublob ayon kay Moises sa gitna ng ulap at sa gitna ng dagat;
[10:3] at lahat sila ay kumain ng parehong espirituwal na pagkain;
[10:4] at uminom silang lahat ng parehong espirituwal na inumin; dahil uminom sila mula sa espirituwal na Batong kasama nila: at ang malaking Batong iyon ay si Kristo.
[10:5] Pero ang Diyos ay hindi natuwa sa karamihan sa kanila dahil napahamak ang mga ito sa gitna ng ilang.
[10:6] Ngayon, ang mga ito ay nagsilbing mga modelo sa atin para hindi na tayo mahumaling sa masasamang bagay tulad rin sa kanilang mga kinahumalingan.
[10:7] Ni maging mga mananamba ng diyus-diyosan tulad ng iba sa kanila kung paanong nakasulat, "Nag-upuan ang mga tao para kumain at uminom, at tumayo para maglaro:"
[10:8] ni makipagtalik tayo sa hindi asawa tulad ng ilan sa kanila na nakipagtalik sa di nila asawa, at 23 libo ang namatay sa loob ng isang araw,
[10:9] ni subukan natin si Kristo tulad rin ng ilan sa kanila na nanubok, at nalipol sila sa kamandag ng mga ahas.
[10:10] Ni magreklamo tayo, tulad rin ng ilan sa kanila na nagreklamo at nasalanta sila sa pamamagitan ng mananalanta.
[10:11] Ngayon, ang lahat ng mga larawang ito ay nabuo sa tulong nila, saka isinulat bilang babala para sa atin, para sa atin na dinatnan ng katapusan ng mundo.
[10:12] Kaya naman ang nag-iisip na siya ay nakatayo ay dapat na magbantay para hindi siya mabuwal.
[10:13] Wala pa kayong tinanggap na pagsubok kundi iyong naaayon para sa tao: pero matapat ang Diyos na hindi kayo hahayaang masubok ng higit pa sa kakayanan niyo, sa halip ay gagawa rin Siya, sa tulong ng pagsubok, ng daan palabas, para ito ay makayanan niyong buhatin.
[10:14] Kaya naman, mga minamahal ko, umiwas kayo mula sa pagsamba sa mga diyus-diyosan.
[10:15] Nagsasalita ako tulad ng isa sa mga matatalinong tao: pag-isipan niyo ang sinasabi ko.
[10:16] Ang baso ng pagpapala na ating pinagpapala, hindi ba ito ay pakikisalo sa dugo ni Kristo? Ang tinapay na pinaghahatian natin, hindi ba ito ay pakikisalo sa katawan ni Kristo?
[10:17] Dahil tayo na marami ay iisang tinapay, iisang katawan: tayo kasing lahat ay nakikisalo mula sa iisang tinapay.
[10:18] Tignan niyo ang Israel ayon sa laman: hindi ba yung kumakain ng mga alay ay nakikibahagi sa altar?
[10:19] Ano ngayon, sinasabi ko ba na may kabuluhan ang rebultong diyus-diyosan? o na may kabuluhan ang inalay sa mga rebultong diyus-diyosan?
[10:20] Pero sinasabi ko na ang inaalay ng mga taga ibang bansa ay sa mga demonyo nila inaalay, at hindi sa Diyos: at hindi ko gusto na kayo ay may kaugnayan sa mga demonyo.
[10:21] Hindi niyo magagawang uminom sa baso ng Panginoon at sa baso ng mga demonyo: hindi niyo magagawang makisalo sa lamesa ng Panginoon at sa lamesa ng mga demonyo.
[10:22] O pinagseselos ba natin ang Panginoon? Hindi. Mas malakas Siya kaysa sa atin.
[10:23] Pupwede sa akin gawin ang lahat ng bagay, pero hindi lahat ng bagay ay kapaki-pakinabang: Pupwede sa akin gawin ang lahat ng bagay, pero hindi lahat ng bagay ay nagpapatibay ng pananalig.
[10:24] Huwag dapat hangarin ninuman ang pansariling kapakanan, kundi ang kapakanan ng bawat isang kapwa.
[10:25] Kainin niyo lahat nang ipinagbibili sa loob ng palengke nang hindi na nagtatanong alang-alang sa konsensya.
[10:26] Sa Panginoon kasi ang daigdig, at ang lahat ng matatagpuan dito.
[10:27] At kung may mag-imbita sa inyong di mananampalataya sa isang handaan, at gusto niyong sumama; kainin niyo ang lahat ng inihain sa inyo nang hindi na nagtatanong alang-alang sa konsensya.
[10:28] Pero kung may magsabi sa iyong, "Ito ay inalay sa rebultong diyus-diyosan." Huwag mong kainin alang-alang sa kanya na nagsabi, at sa konsensya. Sa Panginoon kasi ang daigdig, at ang lahat ng matatagpuan dito.
[10:29] Pero ang sinasabi ko ay konsensya, hindi sa sarili mo, kundi iyung sa iba: dahil bakit na ang kalayaan ko ay hinahatulan gamit ang konsensya ng iba?
[10:30] At kung nakikisalo ako ng may pasasalamat, bakit ako sinasabihan ng masama patungkol sa bagay na pinasasalamatan ko?
[10:31] Kaya kahit pa kumakain kayo, o umiinom kayo, o anumang ginagawa niyo, gawin niyo lahat para sa kaluwalhatian ng Diyos.
[10:32] Huwag kayong gumawa ng bagay na makakatisod di lamang sa mga Judio, at sa mga Griyego, kundi pati sa Konggregasyon ng Diyos.
[10:33] Kung paano ko rin sinisikap malugod ang lahat ng tao sa lahat ng bagay, nang hindi hinahangad ang sarili kong kapakanan, kundi ang kapakanan ng nakararami, para sila ay maligtas.
[11:1] Maging kagaya niyo ako, kung paanong ako rin ay gumagaya kay Kristo.
[11:2] Ngayon ay pinupuri ko kayo, mga kapatid, dahil sa lahat ng bagay ako ay naalala niyo, at pinanghahawakan niyo ang mga katuruan ayon sa pagkakabigay ko sa inyo.
[11:3] Pero gusto kong malaman niyo na ang pinuno ng bawat lalake ay si Kristo, pero ang pinuno ng asawang babae ay ang asawang lalake; at ang pinuno ni Kristo ay ang Diyos.
[11:4] Bawat isang lalake na nananalangin o nangangaral na may nakapatong sa ulo ay ipinapahiya ang kanyang pinuno.
[11:5] Pero bawat isang ginang na nananalangin o nagpapahayag ng kalooban ng Diyos na walang talukbong sa ulo ay ipinapahiya ang kanyang pinuno. Dahil parehas lamang ito sa isang nagpakalbo.
[11:6] Dahil kung hindi natatakluban sa ulo ang isang ginang, ay magpakalbo na rin siya: pero kung nakahihiya sa isang ginang na magpakalbo, o kalbuhin, dapat siyang magtalukbong sa ulo.
[11:7] Dahil talagang ang asawang lalake ay hindi dapat na takpan ang ulunan yamang siya ang larawan at kaluwalhatian ng Diyos: pero ang asawang babae ay ang kaluwalhatian ng asawang lalake.
[11:8] Hindi kasi nilikha mula sa babae ang lalake, sa halip, ang babae ay nilikha mula sa lalake.
[11:9] At hindi rin nilikha ang lalake para sa babae, sa halip, ang babae, para sa lalake.
[11:10] Dahil dito ay dapat mayroong awtoridad sa ibabaw ng ulo ang asawang babae, sa tulong ng mga anghel.
[11:11] Sa kabilang banda, wala ang lalake kung walang babae, o ang babae rin, kung walang lalake, sa harap ng Panginoon.
[11:12] Dahil kung papaanong ang babae ay nanggaling sa lalake, sa ganito ring paraan ang lalake ay iniluluwal sa pamamagitan ng babae; at ang lahat ng bagay ay nanggaling sa Diyos.
[11:13] Kayo mismo ang magpasya: nararapat ba sa isang ginang na walang talukbong sa ulo kapag nananalangin sa Diyos?
[11:14] O di rin ba itinuturo mismo sa inyo ng kalikasan na kung ang lalake ay mahaba ang buhok, ito ay talagang kahiya-hiya para sa kanya?
[11:15] Pero kung ang isang babae ay may mahabang buhok, ito ay kapuri-puri para sa kanya, dahil ang mahabang buhok ay ibinigay sa kanya para gawing panakip sa ulo.
[11:16] Pero kung sinuman ay mukhang mahilig makipagtalo, wala kaming nakasanayang gawin ni ang mga konggregasyon ng Diyos maliban sa bagay na ito.
[11:17] Ngayon, tungkol sa mensaheng ito, hindi ako natutuwa dahil hindi kayo nagtitipon para sa mas ikabubuti, sa halip ay para sa mas ikasasama.
[11:18] Dahil una sa lahat, kapag nagkakatipon kayo sa loob ng konggregasyon, may naririnig akong pagkakabaha-bahagi sa kalagitnaan niyo, at medyo naniniwala ako dito.
[11:19] Dahil kailangan rin na may mga maling paniniwala sa kalagitnaan niyo para ang mga katanggap-tanggap sa kalagitnaan niyo ay lumitaw.
[11:20] Kasi naman, pagpunta niyo sa isang lugar para magtipon, ang layon niyo ay hindi para kumain ng Hapunan ng Panginoon.
[11:21] Bawat isa kasi na kumakain ay kumukuha muna ng para sa hapunan niya, at may ilan na wala nang makain, pero may ilan na naglalasing na!
[11:22] Ano ba yan? Wala ba kayong mga bahay para makainan at mainuman? O gusto niyo lang babuyin ang konggregasyon ng Diyos, at hiyain ang mga walang-wala? Ano ang masasabi ko sa inyo? Papalakpakan ko ba kayo dahil sa bagay na ito? Hindi ako papalakpak.
[11:23] Dahil tinanggap ko rin mula sa Panginoon ang ibinigay ko sa inyo, na nang ang Panginoong Jesus sa gabing Siya ay ipinagkanulo ay kumuha ng tinapay,
[11:24] at matapos magpasalamat ay pinaghati-hati niya ito, at sinabi, "Kunin niyo, kainin niyo. Ito ang Aking katawan na nabiyak alang-alang sa inyo. Gawin niyo ito para sa aking ala-ala."
[11:25] Sa ganitong paraan rin ang baso, matapos na kumain ay sinabi Niya, "Ang basong ito ang Bagong Kasunduan na pinagtibay gamit ang Aking dugo: tuwing iinumin niyo ito, gawin niyo ito para sa aking ala-ala."
[11:26] Dahil gaano man kadalas niyo kainin ang tinapay na ito, at inuman ang basong ito, kayo ay nag-aanunsyo ng kamatayan ng Panginoon, hanggang sa pagdating Niya.
[11:27] Kaya sinuman ang kumain ng tinapay na ito o uminom sa baso ng Panginoon sa paraang di nararapat ay mananagot sa katawan at dugo ng Panginoon.
[11:28] Kaya dapat usisain ng tao ang sarili niya, at sa ganitong paraan siya dapat na kumain mula sa tinapay, at uminom siya mula sa baso.
[11:29] Dahil ang kumakain at umiinom sa hindi nararapat na paraan, ay kumakain at umiinom ng kaparusahan sa sarili niya, na hindi nauunawaan ang katawan ng Panginoon.
[11:30] Dahil dito marami sa kalagitnaan niyo ang mahihina at may sakit, at marami na ang nakatulog.
[11:31] Dahil kung hahatulan natin ang ating mga sarili ay hindi na tayo hahatulan.
[11:32] Pero kapag nasa ilalim tayo ng paghahatol ng Panginoon, tayo ay dinidisiplina para hindi na tayo mahatulan kasama ng mundo.
[11:33] Kaya mga kapatid ko, kapag nagtitipon kayo para kumain ng Hapunan ng Panginoon, maghintay kayo sa isa't isa.
[11:34] At kung may nagugutom na, sa bahay siya dapat kumain para hindi humantong sa kaparusahan ang pagtitipon niyo. At aayusin ko na lamang ang ibang mga bagay sa pagdating ko diyan.
[12:1] Ngayon, hindi ko gusto, mga kapatid, na wala kayong alam patungkol sa mga kaloob ng Espiritu.
[12:2] Alam niyo naman, kayo ay mga hentil, na nasanay nang sumunod sa mga rebultong walang kakayanang magsalita saan mang lugar kayo akayin.
[12:3] Kaya, ipinaaalam ko sa inyo na walang nagsasalita ayon sa Espiritu ng Diyos na nagsasabing, "Kasumpa-sumpa si Jesus:" at walang kayang magsabing, "Panginoong Jesus," kundi sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
[12:4] Ngayon ay may iba-ibang kaloob, pero iisang Espiritu.
[12:5] May iba-iba ring mga ministeryo, pero iisang Panginoon.
[12:6] May iba-iba ring mga gawain, pero iisa ang Diyos na gumagawa ng lahat, sa lahat ng bagay.
[12:7] At ibinigay sa bawat isa ang kapahayagan ng mga bagay mula sa Espiritu para ito ay magdala ng kabutihan.
[12:8] Dahil sa isa ay ibinigay, sa pamamagitan ng Espiritu, ang salita ng karunungan; sa iba naman ang salita ng kaalaman ayon sa parehong Espiritu;
[12:9] sa isa naman, pananalig sa pamamagitan ng parehong Espiritu; sa iba naman, biyaya ng kagalingan sa pamamagitan ng parehong Espiritu;
[12:10] sa iba naman, mga himalang gawain; sa iba naman, kapahayagan ng kalooban ng Diyos; sa iba naman, kakayanang maunawaan ang mga espiritu; sa isa naman, kakaibang klaseng mga wika; sa iba naman, kahulugan ng mga kakaibang wika.
[12:11] Pero lahat ng mga ito ay pinagagana ng iisa at parehong Espiritu na nagbabahagi sa bawat isa ayon sa kagustuhan Niya.
[12:12] Dahil kung paanong ang katawan ay iisa at may maraming bahagi, at lahat ng bahagi nitong nag-iisang katawan, bagama't marami, ay namumuhay sa iisang katawan: sa ganitong paraan rin ang Kristo.
[12:13] At dahil sa pamamagitan ng iisang Espiritu lahat tayo ay inilublob sa iisang katawan, kahit pa tayo'y mga Judio, o mga Griyego man, kahit pa tayo'y mga alipin, o mga malaya man. At sa iisang Espiritu tayong lahat ay uminom.
[12:14] At dahil ang katawan ay hindi isang bahagi, kundi marami;
[12:15] kung sabihin ng paa, "Dahil hindi ako kamay, hindi ako kabilang sa katawan, ni para dito!" Hindi nga ba ito kabilang sa katawan?
[12:16] At kung sabihin ng taynga, "Dahil hindi ako mata, hindi ako kabilang sa katawan, ni para dito!" Hindi nga ba ito kabilang sa katawan?
[12:17] Kung ang buong katawan ay isang mata, nasaan ang pandinig? Kung ang kabuuan ay pandinig, nasaan ang pang-amoy?
[12:18] At ngayon, ang Diyos ang naglagay ng mga bahagi, bawat isa sa kanila, sa loob ng katawan, ayon sa Kanyang plano.
[12:19] Pero kung silang lahat ay iisang bahagi lamang, nasaan na ang katawan?
[12:20] Pero ngayon ay talagang maraming bahagi, pero iisa ang katawan.
[12:21] At hindi maaaring sabihin ng mata sa kamay, "Hindi kita kailangan!" O muli pa, ang ulo sa katawan, "Hindi kita kailangan!"
[12:22] Subalit lalo pa ngang higit na kailangan ang mga bahagi ng katawan na mukhang mas mahihina sa iba.
[12:23] At ang mga iniisip natin na hindi mahalaga para sa katawan, ang mga ito pa ang binibigyan natin ng malaking karangalan, at ang mga nakahihiyang tignan para sa atin ang siyang nagtataglay ng malaking pagpapahalaga.
[12:24] Hindi kasi ito kailangan ng mga may karangalan sa atin. Subalit ang Diyos ang nagdisenyo sa katawan para ang mga may maliit na halaga ay mabigyan ng mas maraming karangalan,
[12:25] para walang mangyaring hidwaan sa loob ng katawan; sa halip ay magkaroon ng malasakit ang mga miyembro nito para sa isa't isa.
[12:26] At kung sakaling magkasakit ang isang miyembro, nararamdaman ito ng lahat ng mga miyembro; kung sakaling maparangalan ang isang miyembro, lahat ng mga miyembro ay nagdiriwang kasama nito.
[12:27] Ngayon, kayo ang katawan ni Kristo, at sa katunayan ay mga bahagi ng katawan Niya.
[12:28] At inilagay ng Diyos ang ilan sa gitna ng Konggregasyon; una, mga mensahero, pangalawa, mga propeta, pangatlo, mga tagapagturo, sumunod ay mga gumagawa ng himala, tapos, mga may kaloob na kagalingan, mga taga-suporta, mga tagapamahala, mga nagsasalita ng kakaibang klaseng mga wika.
[12:29] Hindi lahat ay mga mensahero, hindi lahat ay mga propeta, hindi lahat ay mga tagapagturo, hindi lahat ay gumagawa ng himala.
[12:30] Hindi lahat ay may kaloob na kagalingan, hindi lahat ay nagsasalita sa kakaibang wika, hindi lahat ay nakakapagpaliwanag ng mga ito.
[12:31] Pero sikapin niyong makamtan ang mga pinakamahalagang kaloob: at ipakikita ko sa inyo, bukod pa dyan, kung paano gamitin ang mga ito sa pinakamahusay na paraan.
[13:1] Kung magsalita man ako sa mga wika ng tao at ng mga anghel, pero wala naman akong pag-ibig, isa lang akong tumutunog na tanso o pinapalong simbalo.
[13:2] At kung ako man ay may kaloob na propesiya, at nakauunawa ng lahat ng mga hiwaga, at lahat ng kaalaman; at kung taglay ko man ang lahat ng pananalig, anupat napapaalis ko ang mga bundok, pero wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan.
[13:3] At kung ipamudmod ko lahat ng ari-arian ko, at kung ialay ko ang katawan ko para sunugin pero wala naman akong pag-ibig, wala akong mapapala.
[13:4] Ang pag-ibig ay nagtitiis, nagpapakita ng kabaitan; ang pag-ibig ay hindi naiinggit; ang pag-ibig ay hindi nagmamalaki sa sarili, hindi nagyayabang,
[13:5] hindi kumikilos ng kahiya-hiya, hindi habol ang sariling interes, hindi magagalitin, hindi naghihiganti sa masama,
[13:6] hindi natutuwa sa kawalang-katarungan, pero natutuwa sa katotohanan;
[13:7] laging nagpapatawad, laging nananalig, laging umaasa, laging nagtitiis.
[13:8] Ang pag-ibig ay hindi kailanman mawawalan ng bisa: kahit pa ang mga propesiya, ang mga ito ay lilipas; kahit ang mga kakaibang wika, ang mga ito ay may katapusan; kahit ang kaalaman, ito ay titigil.
[13:9] Dahil isang parte lamang mula sa kabuuan ang ating nalalaman, at isang parte lamang mula sa kabuuang kalooban ng Diyos ang ating ipinapahayag.
[13:10] Pero kapag dumating na ang kabuuan, sa puntong iyon ay aalisin na iyung parte lamang ng kabuuan.
[13:11] Nang ako ay bata pa, nagsasalita ako bilang isang bata, nag-iisip ako bilang isang bata, nangangatwiran ako bilang isang bata: pero nang ako ay tumuntong na sa tamang gulang, itinigil ko na ang mga gawi ng kabataan.
[13:12] Tumitingin kasi tayo ngayon gamit ang malabong salamin; pero sa panahong iyon, mukhaan na. Ngayon, isang parte lang ang alam ko, pero sa panahong iyon ay makikilala ko rin kung paano ako nakilala.
[13:13] At ngayon, ang tatlong ito ay nananatili: pananalig, pag-asa, at pag-ibig; pero pinakadakila sa mga ito ang pag-ibig.
[14:1] Magpursigi kayo sa pag-ibig, at pagsikapan niyong makamit ang mga kaloob ng Espiritu, pero higit sa lahat na makapagpahayag kayo ng kalooban ng Diyos.
[14:2] Ang nagsasalita kasi sa kakaibang wika ay hindi sa tao nagsasalita kundi sa Diyos: dahil walang makauunawa nito. Pero nagsasalita siya ng mga hiwaga sa espiritu.
[14:3] Pero ang nagpapahayag ng kalooban ng Diyos ay nagsasalita sa mga tao para sa ikatatatag ng pananampalataya, at para sa ikagiginhawa, at ikalalakas ng kalooban.
[14:4] Ang nagsasalita sa kakaibang wika ay pinatatatag ang sariling pananalig, pero ang nagpapahayag ng kalooban ng Diyos ay pinatatatag ang pananalig ng buong konggregasyon.
[14:5] Pero gusto ko na lahat kayo ay magsalita sa kakaibang wika, at higit sa lahat ay makapagpahayag kayo ng kalooban ng Diyos: dahil mas dakila ang nagpapahayag ng kalooban ng Diyos kaysa sa nagsasalita sa kakaibang wika, maliban na lamang kung maipaliwanag niya ang ibig sabihin nito, upang ang buong konggregasyon ay tumanggap ng katatagan sa pananalig.
[14:6] At ngayon, mga kapatid, kung pumunta ako sa inyo na nagsasalita sa kakaibang wika, anung pakinabang ang maibibigay ko sa inyo, kung hindi ako magsasalita sa inyo alinman sa mga ito: sa pamamagitan ng pagpapahayag ng bagay na mahiwaga, o sa pamamagitan ng kaalaman, o sa pamamagitan ng propesiya, o sa pamamagitan ng pagtuturo?
[14:7] Kahit naman ang mga bagay na walang buhay na tumutunog, kung ito man ay plauta o gitara, kung ang mga ito ay hindi nagbibigay ng kakaibang tunog, paano malalaman ang kanta na tinutugtog sa plauta o sa gitara?
[14:8] Dahil kung ang trumpeta rin ay nagbigay ng hindi maintindihang tunog, sino ang makakapaghanda para sa digmaan?
[14:9] Sa ganitong paraan rin kayo gamit ang dila. Maliban sa magbigay kayo ng salitang naiintindihan, paano mauunawaan ang bagay na sinasabi? Para lang kayong nagsasalita sa hangin.
[14:10] Kahit man napakaraming klaseng tunog mayroon sa daigdig, wala sa mga ito ang walang kahulugan.
[14:11] Kaya kung hindi ko alam ang kahulugan ng pangungusap, ako ay magiging isang dayuhan sa nagsasalita at ang nagsasalita ay isang dayuhan para sa akin.
[14:12] Ganito rin para sa inyo. Yamang kayo ay masigasig sa mga kaloob ng Espiritu, sikapin niyo na managana kayo rito para sa ikatatatag ng konggregasyon.
[14:13] Dahil dito dapat na manalangin ang nagsasalita ng kakaibang wika na makapagpaliwanag rin siya ng ibig sabihin.
[14:14] Kung nananalangin kasi ako sa kakaibang wika, ang espiritu ko ay nananalangin pero hindi nakikinabang ang aking isipan.
[14:15] Ano na ngayon ang gagawin? Mananalangin ako sa espiritu, pero mananalangin rin ako ng may pang-unawa: kakanta ako sa espiritu, pero kakanta rin ako ng may pang-unawa.
[14:16] Dahil kung hindi, kapag nagpuri ka sa espiritu, paano magsasabi ng "Amen!" sa iyong pagpapasalamat ang nasa lugar ng walang alam, samantalang hindi niya maintindihan ang sinasabi mo?
[14:17] Dahil talagang magandang gawain ang pagpapasalamat mo, pero ang kapwa mo naman ay hindi napapatatag ang pananalig.
[14:18] Nagpapasalamat ako sa aking Diyos na nagsasalita ako sa kakaibang wika higit sa inyong lahat.
[14:19] Pero sa loob ng konggregasyon, gugustuhin ko pa na magsalita sa limang pangungusap gamit ang kaunawaan ko para ang iba rin ay matuto kaysa 10 libong salita gamit ang kakaibang wika.
[14:20] Mga kapatid, huwag kayong maging mga bata sa pang-unawa, sa halip, sa kasamaan kayo dapat maging mga sanggol, pero sa pang-unawa, dapat maging mga sakdal kayo.
[14:21] Nakasulat sa loob ng Batas na sa pamamagitan ng mga kakaibang wika, at sa pamamagitan ng mga labi ng iba ay magsasalita Ako sa mga taong ito, at kahit pa sa paraang ito ay hindi nila Ako pakikinggan, sabi ng Panginoon.
[14:22] Kaya naman isang pambihirang bagay ang mga kakaibang wika, hindi para sa mga mananampalataya kundi para sa mga di mananampalataya: pero ang pagpapahayag sa kalooban ng Diyos ay hindi pambihirang bagay para sa mga di mananampalataya, kundi para sa mga mananampalataya.
[14:23] Kaya kung ang buong konggregasyon ay nagkatipon sa isang lugar, at lahat ay nagsasalita ng kakaibang wika, at may dumating na di pa naturuan o di mananampalataya, di ba nila sasabihin na nababaliw kayo?
[14:24] Pero kung lahat ay nagpapahayag ng kalooban ng Diyos, at may dumating na di mananampalataya o di pa naturuan, siya ay maitutuwid ng bawat isa, habang nasa pagsusuri ng lahat.
[14:25] At sa ganitong paraan ay maisisiwalat ang mga lihim ng puso niya, at dahil dito ay mapapadapa siya sa lupa, sasamba sa Diyos habang nagsasabing, "Tunay na ang Diyos ay nasa inyo!"
[14:26] Paano ngayon ito, mga kapatid? Kapag kayo ay nagkakatipon, bawat isa sa inyo ay may dalang awitin, may pagtuturo, may pagsasalita sa kakaibang wika, may kapahayagan, may pagbibigay ng kahulugan; lahat ay dapat gawin sa ikatatatag ng pananampalataya.
[14:27] Kung may magsalita sa kakaibang wika, dala-dalawa o hanggang tatlo lamang, at may nakalaang panahon para sa bawat isa, at dapat may isang nagpapahayag ng kahulugan.
[14:28] Pero kung walang makapagpapahayag ng kahulugan, dapat siyang manahimik sa loob ng konggregasyon; at kausapin niya na lamang ang sarili at ang Diyos.
[14:29] At hayaang magsalita ang dalawa o tatlong propeta, at ang iba naman ay dapat na timbangin ang sinabi.
[14:30] Pero kung ipinahayag ang kahulugan sa ibang nakaupo, dapat manahimik ang nauna.
[14:31] Magagawa niyo kasing lahat na isa-isang magpahayag ng kalooban ng Diyos para matuto ang lahat, at guminhawa ang kalooban ng lahat.
[14:32] At ang mga espiritu ng mga propeta ay nasa kapangyarihan ng mga propeta.
[14:33] Dahil hindi Siya ang Diyos ng kaguluhan, kundi ng kapayapaan. Ganito ang pamamaraan sa lahat ng mga konggregasyon ng mga banal.
[14:34] Dapat na manahimik ang mga kababaihan niyo na may asawa sa loob ng mga konggregasyon. Hindi kasi sila naatasang magsalita sa marami, sa halip ay dapat silang magpasakop sa pamumuno ng asawang lalake kung paano rin sinasabi sa Batas.
[14:35] Pero kung may bagay na gusto nilang matutunan, tanungin nila ang kanilang mga asawang lalake sa loob ng tahanan. Hindi kasi angkop para sa mga asawang babae na magsalita sa loob ng konggregasyon.
[14:36] Sa inyo ba nagmula ang Salita ng Diyos, o sa inyo lang ba ito nakaabot?
[14:37] Kung sinuman ay nag-aakalang siya ay isang propeta o may gabay ng Espiritu, dapat niyang maunawaan na ang mga bagay na isinusulat ko sa inyo ay mga utos ng Panginoon.
[14:38] Pero kung sinuman ay walang pang-unawa, huwag niyo siyang pagtuonan ng pansin.
[14:39] Kaya naman mga kapatid, maging masigasig kayo sa pagpapahayag ng kalooban ng Diyos, at huwag niyong pagbawalan ang pagsasalita sa kakaibang wika.
[14:40] Dapat na gawin ang lahat ng bagay ng marangal, at naayon sa tamang kaayusan.
[15:1] Ngayon, mga kapatid, ipinauunawa ko sa inyo ang Masayang Balita na inanunsyo ko sa inyo na inyo ring tinanggap, kung saan rin kayo ay nakatayo.
[15:2] Sa pamamagitan rin nito ay naligtas kayo, kung kayo ay nakakapit sa Salita na ipinangaral ko sa inyo, kung hindi ay nanalig kayo ng walang kabuluhan.
[15:3] Dahil ibinigay ko sa inyo una sa lahat ang akin ring tinanggap, na si Kristo ay namatay para sa mga kasalanan natin, alinsunod sa mga nakasulat sa Biblia,
[15:4] at na Siya ay inilibing, at na Siya ay nagbangon sa ikatlong araw, alinsunod sa mga nakasulat sa Biblia:
[15:5] at na Siya ay nagpakita kay Pedro, sumunod ay sa labindawala.
[15:6] Pagkatapos ay sabay-sabay Siyang nagpakita sa 500 mahigit na kapatiran; kung saan ang karamihan ay naririto pa hanggang ngayon, pero ang ilan rin sa kanila ay nakatulog na.
[15:7] Pagkatapos ay nagpakita Siya kay Tyago; tapos ay sa lahat ng mga mensahero.
[15:8] At kahulihulihan sa lahat, para bang isang isinilang nang hindi pa kabuwanan, nagpakita rin Siya sa akin.
[15:9] Dahil ako ang pinaka kulelat sa mga mensahero na hindi pa nga dapat na tawaging mensahero, dahil inusig ko ang konggregasyon ng Diyos.
[15:10] Pero dahil sa kagandahang-loob ng Diyos, ako ay ako, at hindi nasayang ang kagandahang-loob Niya para sa akin; gayunpaman mas higit akong nagtrabaho kaysa sa kanilang lahat, pero hindi ako, kundi ang kagandahang-loob ng Diyos na nasa akin.
[15:11] Kaya naman, kahit pa ako o sila man, sa ganitong paraan kami nagpoproklama, at sa ganitong paraan kayo ay nanampalataya.
[15:12] Ngayon, kung si Kristo ay ipinoproklamang bumangon mula sa mga patay, anung dahilan na ang ilan sa inyo ay nagsasabi na walang pagbangon ng mga patay?
[15:13] Pero kung wala ngang pagbangon ng mga patay, si Kristo ay hindi rin bumangon.
[15:14] Pero kung si Kristo ay hindi nagbangon, samakatuwid, walang katuturan ang mga pagpoproklama namin, at wala ring silbi ang pananampalataya niyo.
[15:15] At matutuklasan rin kami na mga pekeng testigo ng Diyos dahil nagpatotoo kami patungkol sa Diyos na ibinangon Niya si Kristo na hindi naman pala bumangon, kung ang mga patay nga ay hindi bumabangon.
[15:16] Dahil kung hindi bumabangon ang mga patay, hindi rin bumangon si Kristo.
[15:17] At kung hindi bumangon si Kristo, walang silbi ang pananampalataya niyo; nasa kapangyarihan pa kayo ng inyong mga kasalanan.
[15:18] Kaya naman ang mga nakatulog rin kay Kristo ay mga napahamak.
[15:19] Kung sa gitna ng buhay na ito lamang tayo may pag-asa kay Kristo, ay mas kawawa tayo kumpara sa lahat ng mga tao.
[15:20] Pero ngayon ay nagbangon si Kristo mula sa mga patay, na Siyang naging unang bunga mula sa mga nakatulog.
[15:21] Dahil yamang sa pamamagitan ng tao ay dumating ang kamatayan, sa pamamagitan din ng tao ay dumating ang pagbangon ng mga patay.
[15:22] Dahil kung papaanong sa pamamagitan ni Adan, lahat ay namamatay, sa ganito ring paraan sa pamamagitan ni Kristo lahat ay mabubuhay.
[15:23] Pero ang bawat isa ay babangon ayon sa kanyang sariling pagkakatawag: si Kristo na Unang Bunga, pagkatapos ay ang mga na kay Kristo, sa panahon ng Kanyang pagdating.
[15:24] Kasunod nito ay ang katapusan kapag ibinigay na Niya ang kaharian sa Diyos at Ama, kapag binuwag na Niya ang lahat ng pamumuno at lahat ng awtoridad, at kapangyarihan.
[15:25] (Dahil kinakailangan Niyang maghari hanggang sa panahon na mailagay Niya ang lahat ng mga kalaban sa ilalim ng mga paa Niya.
[15:26] Ang huling kalaban na tatapusin ay ang kamatayan.
[15:27] Dahil inilagay Niya ang pamamahala sa lahat ng bagay sa ilalim ng mga paa Niya. Pero kapag sinabing "inilagay Niya ang pamamahala sa lahat ng bagay," malinaw na hindi kasama rito ang naglagay ng pamamahala sa lahat ng bagay sa ilalim Niya.
[15:28] At kapag nailagay na sa ilalaim Niya ang pamamahala sa lahat ng bagay, sa puntong iyon, ang Anak rin mismo ay magpapasakop sa pamamahala Niya na naglagay sa lahat ng bagay sa pamamahala Niya, para ang Diyos ay mapasa lahat-lahat.)
[15:29] Kung hindi ay ano naman ang gagawin nila sa mga nagpapalublob alang-alang sa mga patay, kung hindi naman pala ibabangon ang mga patay? Bakit pa sila inilulublob alang-alang sa mga patay?
[15:30] Bakit rin kami nasa bingid ng kamatayan sa bawat oras?
[15:31] Araw-araw akong namamatay alang-alang sa ating ipinagyayabang na aking iniingatan sa pamamagitan ni Kristo Jesus na Panginoon natin.
[15:32] Kung nakikipaglaban ako sa mga mababangis na hayop na nasa Ephesus ayon sa pamantayan ng tao, anung mapapala ko kung hindi magbabangon ang mga patay? "Magkainan tayo at mag-inuman, dahil patay na tayo bukas!"
[15:33] Huwag kayong palilinlang: ang masamang impluwensiya ay sumisira sa mabuting kaugalian.
[15:34] Gumising kayo sa katuwiran, at huwag kayong magkasala; dahil ang ilan ay walang kaalaman sa Diyos: sinasabi ko ito para mahiya naman kayo.
[15:35] Pero sasabihin ng ilan, "Paano bumabangon ang mga patay? At anung uri ng katawan ang gagamitin nila?"
[15:36] Hangal ka! Ang binhing itinanim ay hindi mabubuhay maliban sa ito ay mamatay.
[15:37] At ang itinatanim mo ay hindi ang katawan na tatanggapin mo, kundi parang nagtatanim ka ng isang talop na butil, kung ito man ay trigo o anumang uri ng pananim.
[15:38] At ang Diyos ang nagbibigay dito ng katawan ayon sa kagustuhan Niya, at sa bawat isang binhi, ang sarili nitong katawan.
[15:39] Hindi lahat ng laman ay magkakaparehong klase ng laman: subalit iba talaga ang laman ng mga tao, iba rin ang laman ng mga hayop, iba rin ang sa mga isda, iba rin sa mga ibon.
[15:40] Mayroon ding mga katawang makalangit, at katawang makalupa: subalit kakaiba ang kaluwalhatian ng sa taga langit, at kakaiba ang sa taga lupa.
[15:41] Iba ang kaningningan ng araw, iba naman ang kaningningan ng buwan, iba rin ang kaningningan ng mga bituwin: dahil ang isang bituwin ay may taglay na kakaibang ningning kumpara sa ibang bituwin.
[15:42] Ganito rin sa pagbangon ng mga patay. Itinatanim ito na nabubulok, ibabangon ito na di na mabubulok.
[15:43] Itinatanim ito na walang karangalan; ibabangon ito ng may karangalan: Itinatanim ito ng may kahinaan; ibabangon ito ng may kapangyarihan.
[15:44] Itinatanim ito sa katawang lupa, ibabangon ito sa katawang espirituwal. May katawang lupa, at mayroong katawang espirituwal.
[15:45] Ganito rin ang nakasulat, ang unang tao, si Adan, ay ginawa bilang isang kaluluwang may buhay; ang huling Adan naman, bilang isang espiritung nagbibigay-buhay.
[15:46] Subalit hindi nauna ang espirituwal, kundi ang makalupa; pagkatapos ay ang espirituwal.
[15:47] Ang unang tao ay mula sa lupa, makalupa, ang pangalawang tao, ang Panginoon na mula sa langit.
[15:48] Kung paano ang buhay nitong makalupa, ay ganoon rin ang mga makalupa, at kung paano ang buhay nitong Makalangit, ganoon rin ang mga makalangit.
[15:49] At yamang suot natin ang katangian nitong makalupa, isusuot rin natin ang katangian ng Makalangit.
[15:50] Ito ngayon ang sinasabi ko, mga kapatid, na ang dugo at laman ay hindi kakayaning magmana ng Kaharian ng Diyos, ni ang nasisira ay magmamana ng hindi nasisira.
[15:51] Pansinin niyo, isang hiwaga ang sinasabi ko sa inyo; hindi talaga tayo lahat matutulog, pero lahat tayo ay mag-iibang anyo.
[15:52] Sa isang iglap, sa isang kisap ng mata, sa huling trumpeta: dahil patutunugin ang trumpeta, at ang mga patay ay ibabangon na hindi na kailanman masisira, at tayo ay mag-iibang anyo.
[15:53] Dahil itong nasisira ay dapat na suotan ng hindi nasisira, at itong mortal ay dapat suotan ng pagka-imortal.
[15:54] Pero kapag itong nasisira ay magsuot na ng hindi nasisira, at itong mortal ay magsuot na ng pagka-imortal, sa puntong iyon ay matutupad ang salita na nakasulat, "Nilamon na ang kamatayan na nagresulta sa tagumpay.
[15:55] Nasaan na, O Kamatayan, ang iyong patalim? Nasaan na, O Libingan, ang iyong tagumpay?"
[15:56] Ngayon, ang patalim ni Kamatayan ay ang kasalanan, at ang kapangyarihan ng kasalanan ay ang Batas.
[15:57] Pero salamat sa Diyos na nagbibigay sa atin ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu Kristo.
[15:58] Kaya naman, mga minamahal kong kapatid, maging matatag kayo, hindi natitinag, laging masagana sa gawain ng Panginoon, yamang alam natin na ang pagod niyo ay hindi nawawalan ng kabuluhan sa Panginoon.
[16:1] Ngayon, patungkol sa koleksyon na para sa mga banal, kung paano ko sinabihan ang mga konggregasyon sa Galatia, ganito rin ang dapat niyong gawin.
[16:2] Sa bawat unang araw ng linggo, bawat isa sa inyo ay magtabi ng inipon niya mula sa anumang pagpapalang tinanggap para pagdating ko ay wala nang mangyaring pangungulekta sa oras na iyon.
[16:3] At pagdating ko, sinumang aprobahan niyo sa pamamagitan ng mga liham, sila ang ipadadala ko para magdala ng kagandahang-loob niyo papuntang Jerusalem.
[16:4] at kung nararapat na pumunta rin ako, pupunta sila na kasama ko.
[16:5] At pupuntahan ko kayo kapag dumaan ako sa Macedonia, sa Macedonia kasi ang daan ko.
[16:6] At baka sakaling sa inyo na ako manatili o magpalipas rin ng taglamig, para maihatid niyo ako saan man ako papunta.
[16:7] Hindi ko na kasi planong makita kayo ngayon sa biyahe, pero umaasa ako na manatili ng ilang panahon sa inyo kung hahayaan ng Panginoon.
[16:8] Pero mananatili ako sa Ephesus hanggang Pentecostes.
[16:9] May dakila at mabisang pintuan kasi ang nagbukas para sa akin, pero maraming kumakalaban.
[16:10] Ngayon, kung sakaling dumating si Timoteo, sikapin niyo na makasama niya kayo na walang kinatatakutan: dahil ginagawa niya rin, tulad ko, ang trabaho ng Panginoon.
[16:11] Kaya naman, huwag niyong hayaan na hamakin siya ninuman: at ihatid niyo siya ng payapa para makarating siya sa akin: dahil naghihintay ako sa kanya pati ng mga kapatiran.
[16:12] Patungkol naman sa kapatid na Apollo, pinakiusapan ko siya ng maigi na pumunta sa inyo kasama ng mga kapatiran: pero hindi niya gusto kahit sa anung paraan na ngayon na pumunta. Kundi pupunta siya kapag may pagkakataon siya.
[16:13] Magbantay kayo, manatili kayong nakatayo sa pananalig, magpakatapang kayo, maging matibay kayo.
[16:14] Ang lahat ng mga gawain ninyo ay dapat gawin ng may pag-ibig.
[16:15] Nakikiusap rin ako sa inyo, mga kapatid, (kilala niyo ang pamilya ni Stefanas na ito ang unang bunga sa Achaia, at itinalaga nila ang mga sarili nila sa paglilingkod sa mga banal,)
[16:16] na kayo rin ay magpasakop sa mga tulad nila, at sa bawat isang tumutulong at nagpapagal sa gawain.
[16:17] Natutuwa rin ako sa pagdating ni Stefanas at ni Fortunato, at ni Achaico, dahil pinunan nila ang kakulangan niyo.
[16:18] Pinanariwa nila kasi ang aking espiritu at ang sa inyo: kaya naman ay pahalagahan niyo ang mga tulad nila.
[16:19] Binabati kayo ng mga konggregasyon sa Asia. Wagas na pagbati sa Panginoon ang pinaaabot sa inyo ni Aquila at Priscilla kasama ng konggregasyon na nasa tahanan nila.
[16:20] Ang lahat ng mga kapatiran ay binabati kayo. Batiin niyo ang isa't isa sa banal na halik.
[16:21] Akong si Pablo ang nagsulat sa pagbating ito gamit ang aking kamay.
[16:22] Kung sinuman ay hindi nagmamahal sa Panginoong Jesu Kristo, dapat niyo siyang tratuhin bilang isang bagay na isinumpa. Ang ating Panginoon ay magbabalik.
[16:23] Ang kagandahang-loob ng Panginoong Jesu Kristo ay sumainyo.
[16:24] Ang pag-ibig ko ay sumainyong lahat alang-alang kay Kristo Jesus. Amen. Ang unang sulat sa mga Korinto ay isinulat mula sa Filipos sa pamamagitan ni Stefanas, at ni Fortunato, at ni Achaico, at ni Timoteo.