mirrored from git://git.moodle.org/moodle.git

minquestions.html
39 lines (33 loc) · 2.06 KB

minquestions.html
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39

Ang Minimum na Bilang
ng Tanong sa isang Aralin

Kapag ang aralin ay naglalaman ng isa o mahigit pang Manghad ng
Sanga, dapat itakda ng guro ang parameter na ito. Ang halaga nito
ay nagtatakda ng ibabang limitasyon sa bilang ng tanong na makikita
kapag kinuwenta ang marka. Hindi nito pinipilit ang mga
mag-aaral na sagutin ang ganoong dami ng tanong sa aralin.

Halimbawa, ang pagtatakda ng parameter na ito sa, sabihin nating, 20,
ay magtitiyak na ang mga marka na ibibigay ay parang nakakita na
kahit man lamang ng ganitong dami ng tanong ang mag-aaral. Sa
kaso halimbawa ng isang mag-aaral na tumingin lamang sa isang sanga sa
aralin na may, sabihin nating, 5 pahina at sinagot niya ang mga kaugnay
nitong tanong nang wasto. Tapos ay pinili niyang tapusin ang aralin
(ipalagay natin na may ganoong opsiyon sa "tuktok na antas" ng
Manghad ng Sanga, isang makatwirang pag-aakala). At kung ang
parameter na ito ay di-itinakda, ang marka nila ay magiging 5 sa 5,
alalaong baga'y 100%. Subali't, kung nakatakda ito sa 20, ang marka
nila ay liliit sa 5 sa 20, o 25%. Sa kaso ng isa pang mag-aaral na
dumaan sa lahat ng sanga at tiningnan ang, sabihin natin na, 25 pahina
at sinagot nang tama ang lahat maliban sa dalawa sa mga tanong, ang
marka niya ay magiging 23 sa 25, o 92%.

Kapag ginamit ang parameter na ito, ang panimulang pahina ng aralin
ay magsasabi ng mga bagay na katulad nito:

Sa araling ito, inaasahan na tatangkain mong sagutin ang
kahit man lamang n na tanong. Maaari kang sumagot ng mas marami
kung ibig mo. Magkagayonman, kung ang pagsagot mo ay mas mababa sa
n na tanong, ang marka mo ay kukuwentahin na parang sumagot ka ng
n.

Siyempre, dito ang "n" ay papalitan ng aktuwal na halaga na
ibinigay sa parameter na ito.

Kapag ang parameter na ito ay itinakda, ang mga mag-aaral ay
sasabihan kung ilang tanong ang sinagutan nila at kung ilan ang
inaasahang sagutan nila.